QC JABS FURBABIES!
ICYMI: Umabot sa 3,494 furbabies ang nabakunahan ng Quezon City Veterinary Department (CVD) sa 25 na lokasyon sa Barangay Bagbag.
Bahagi ito ng selebrasyon para sa World Rabies Day nitong Setyembre 28.
Sa door-to-door operations ng CVD, kasama nila ang nasa 200 volunteers at vaccinators. Nai-register na rin ang 5,302 na aso at pusang alaga ng mga taga barangay.
Bukod dito, nagkaroon ng Rabies Management and Bite Prevention at Responsible pet ownership education para sa mga QCitizen.