Nagpulong ang mga Beterinaryo ng Lungsod Quezon! ![]()
Matagumpay na naisagawa ng Quezon City Veterinary Department (QCVD) ang collaborative meeting, kasama ang iba-ibang veterinary doctors sa lungsod.
Ginanap ang pulong sa QCX Events Center, Quezon Memorial Circle na may temang “Partnering for Health, Enhancing Accessible Veterinary Care in Quezon City” noong August 18 (Lunes).
Kabilang sa mga dumalo sina National Focal Person of Rabies and Animal Welfare, Bureau of Animal Industry (BAI) Dr. Maria Sheila Ordinario, DVM, President, Philippine Veterinary Medical Association (PVMA) Dr. Jerry V. Alacantara, DVM, President, Philippine Animal Hospital Association (PAHA) Dr. Mitzi Padrinao, DVM, at President, Federation of Asian Veterinary Associations (FAVA) Dr. Harris Constantino, DVM.
Layon nito ang mas matibay na pakikipag-ugnayan sa mga private veterinary clinics bilang paghahanda para sa World Rabies Day at sa pagsusulong ng #ZeroBy30 laban sa rabies.
Nagsilbi naman bilang tagapagsalita sina Executive Director, Animal Kingdom Foundation (AKF) Atty. Heidi Marquez Caguioa at CEO, Founder ng Pawnec Mr. Arrian Lim.
Maraming salamat sa lahat ng mga pribadong klinika na nakibahagi at nakiisa para sa ikabubuti ng ating mga alagang hayop at komunidad.










