Sa Quezon City, hindi pinapabayaan sina bantay at muning!
Nag-set up ang Quezon City Veterinary Department (QCVD) ng Pet Evacuation Area para sa mga alagang hayop ng mga nasunugan na pansamantalang nanunuluyan sa C.P. Garcia High School.
Tinitiyak ng mga veterinarian, katuwang ang mga responsableng pet owner, na nasa maayos na kalagayan ang mga hayop.




