Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa QC, No Pet is Left Behind ![]()
Nag-set up ang mga kawani ng Quezon City Veterinary Department (QC CVD) ng Pet Evacuation Area para sa mga alagang hayop na kasama sa paglilikas ng mga residente mula sa Barangay Apolonio Samson, Sauyo, Tatalon, at Bagong Silangan bunsod ng Bagyong Opong.
Sa Barangay Sauyo, tatlong alagang hayop ang nabigyan ng veterinary medical treatment at kasalukuyang mino-monitor katuwang ang ating Barangay Animal Control Officers.
Paalala po sa mga QCitizen, isama at siguraduhing ligtas ang inyong mga alagang hayop tuwing may paglikas.








