Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa QC, Walang Naiiwan na Alaga! ![]()
Agad na kumilos ang Quezon City Veterinary Department para siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop ngayong araw.
Nakahanda na ang Pet Evacuation Areas sa Barangay Bagong Pag-asa at Barangay Damayan para sa mga alagang hayop ng mga residenteng kailangang lumikas.
Patuloy ang paghahanda ng Pet Evacuation Areas sa iba pang barangay at pagmomonitor sa kalagayan ng furpets, katuwang ang Barangay Animal Welfare Officers.
Paalala, isama at siguraduhing ligtas ang inyong mga alaga tuwing may paglikas.










