Sa Quezon City, no pet is left behind ![]()
Agad na kumilos ang mga kawani ng Quezon City Veterinary Department (QCVD) upang bigyan ng lunas ang mga alagang hayop na naapektuhan ng sunog sa Brgy. Culiat.
Sa kabuuan, mayroong 54 na aso at pusa ang nadamay sa naganap na sunog. Nagtayo ng pet evacuation area ang QCVD, at mayroong 16 na aso at pusa ang inilagak rito. Binigyan ng vitamins ang mga aso at pusa na kasama sa mga naapektuhan ng nangyaring sunog.
Patuloy na babantayan ang kondisyon ng mga hayop kasabay na rin ang patuloy na pagbibigay ng malinis na tubig at pagkain sa mga ito bukod sa atensyong medikal.
Paalala po sa lahat ng pet parents sa evacuation areas, makiisa at tulungan po natin ang ating mga Barangay Animal Control Officers (BACO) sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga pet areas.
Sa panahon ng sakuna kasama ang inyong alaga.








