Sa Quezon City: No Pets Are Left Behind![]()
Muling kumilos ang Quezon City Veterinary Response Team upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga alagang hayop na naapektuhan ng habagat at ng magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong.
Nag-ikot ang kanilang team sa sampung evacuation centers at mga lugar na apektado ng baha sa Barangay Roxas, Bagong Silangan, Tatalon, Damayang Lagi, Fairview, at Payatas, at nakapaghatid ng tulong/serbisyo sa kabuuang 684 na alagang hayop.
Sa pakikipagtulungan sa Animal Kingdom Foundation, na may programang “Pet Ayuda, Barkyanihan.” namahagi rin ang team ng 400 kilo ng dog food at cat food.
Bukod dito, 150 alagang hayop ang nabigyan ng veterinary medical services tulad ng pagrereseta at pamimigay ng Doxycycline tablets para sa leptospirosis prevention.
Paalala po sa lahat ng pet parents sa evacuation areas: makiisa at tulungan po natin ang ating mga Barangay Animal Control Officers (BACO) sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga pet areas.
#QCVet#AnimalWelfare#DisasterResponse#KasamaangAlaga#AlagangQCVet#QCVeterinaryResponseTeam








