Sa ika-146 taon ng kapanganakan ng tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” na si dating Pangulong Manuel Luis Quezon, taos-pusong nagpupugay ang buong Lungsod Quezon sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa bansa.

Nawa’y ang kanyang diwa ng paglilingkod at pagmamahal sa bayan ay patuloy na magbigay inspirasyon sa kasalukuyan at sa mga darating pang henerasyon.

Ang “Quezon Day” ay idineklara bilang isang special working holiday sa buong Pilipinas at isang special non-working public holiday sa mga probinsya ng Quezon at Aurora, pati na rin sa Lungsod Quezon, batay sa Republic Act No. 6741 na naipatupad noong 1989.

#TayoAngQC

#QC85th

#MLQ146

#QuezonDay