Sinimulan na ang konstruksyon ng elevated landscaped promenade na magdudugtong sa Quezon Memorial Circle at Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center.

Pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng Elliptical Road, partikular ang bahagi mula North Ave. hanggang Quezon Ave. mula noong Huwebes hanggang kaninang 8:00AM upang bigyang daan ang konstruksyon.

Mula sa disenyo ng City Architect’s Office ang proyektong ito ng Quezon City Government, na ipinatupad naman ng City Engineering Department sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

+9