Inilawan ng asul ang pylon sa Quezon Memorial Circle at main building ng Quezon City Hall bilang paggunita sa World Refugee Day.
Unang isinagawa noong 2001, ang World Refugee Day ay binuo ng United Nations bilang pag-alala at pakikiisa sa mga indibidwal na napilitang umalis sa kanilang tahanan para makaligtas mula sa gulo o digmaan.
Isinusulong din ang pagkakaroon ng bukas at mapagkalingang komunidad para sa mga refugee, at pagbuo ng mga programa para masolusyunan ang kanilang hinahanarap na pagsubok.
Noong 1934, binuksan ni dating Pangulong Manuel Quezon ang Pilipinas para sagipin ang aabot sa 1,300 Jewish refugees mula sa mga Nazi.




