Inilawan ng pink ang pylon sa Quezon Memorial Circle at Quezon City Hall main building bilang bahagi ng paggunita sa Breast Cancer Awareness Month.
Tuwing Oktubre, kinikilala ang mga indibidwal (karamihan ay kababaihan) na matapang na hinaharap ang breast cancer.
Dahil dito, mas isinusulong ang kampanya para mas magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa sakit na ito, at kung paano ito maiiwasan at maaagapan.
Sa Quezon City, mas pinalakas ang mga programa laban sa cancer, sa bisa ng Quezon City Integrated Cancer Control Ordinance (SP-3285, S-2024).
LIBRE ANG CANCER SCREENING sa 67 health centers sa lungsod. Aalalayan ang pasyente mula sa early detection hanggang treatment para masigurong mabilis silang gumaling sa sakit.








