BASTA QCITIZENS, ACTIVE LIFESTYLE! 🏋️🏋️‍♀️🏃🏻‍♀️

Dinadagsa ng mga QCitizens ang Quezon Memorial Circle (QMC) upang mag-ehersisyo at mag-enjoy kasama ang kanilang pamilya, kaibigan, at mga furbabies sa pinakamalaking parke sa Lungsod Quezon.

Maraming aktibidad ang maaring gawin sa QMC upang lalo pang maging healthy at active ang lifestyle ng mga QCitizens. Mayroong nagbibisekleta, nagjo-jogging, badminton, stretching, sunbathing, zumba, at iba-ibang uri ng exercise.

Marami ring mabibilhan ng makakain sa QMC Food Park na makatutulong upang umunlad ang mga small businesses sa loob ng QMC.

Bahagi ng 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapalawak at pagpaparami ng mga open at green spaces sa lungsod na mapakikinabangan ng mga QCitizens.

Ayon sa QMC, higit sa 10,000 katao ang bumibisita sa Circle tuwing weekends.

+28