Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dinagsa ng mga skater ang unang araw ng pagbubukas ng Skatepark sa Quezon Memorial Circle!
Tampok sa bagong pasilidad ang park style, street style, at casual style skating areas, kabilang ang dalawang skating bowls na may competition-standard design. Maaari iting magsilbing bagong tambayan at training ground para sa mga QCitizen na nais mas hasain ang kanilang talento sa skateboarding.
Sa ngayon, bukas muna ang skatepark mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Patuloy nating suportahan ang mga kabataang atleta at ang skateboarding community sa Quezon City! ![]()









