Buhay na buhay ang Pag-ibig sa QMC!
Pinalamutian ang Quezon Memorial Circle ng mga eco-friendly decorations sa pagdiriwang ng Valentine’s Day.
Bida ang mga palamuti na hugis puso dahil gawa ang mga ito sa mga naipong kahoy na naputol dahil sa mga humagupit na bagyo.
Nilagyan din ang mga ito ng pa-ilaw upang mas maging takaw-atensyon sa gabi.
Parte na ng kultura ng Quezon City ang pag-repurpose ng mga naputol na kahoy bilang holiday decorations upang makabawas sa mga itatapon na basura.
May inihanda ring Food Bazaar at Plant and Flower Sale mula sa February 13 hanggang February 16, 10AM – 8PM at Live Busking naman mula 5PM – 8PM.
Bukas ang QMC ng Monday to Sunday, para sa mga nais mag-celebrate ng Valentine’s Day.
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-242-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-241-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-240-683x1024.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-239-1024x683.jpeg)
![](https://quezoncity.gov.ph/wp-content/uploads/2025/02/image-238-1024x683.jpeg)