Inilawan ng kulay ng bandila ng Pilipinas (asul at pula) ang Quezon Shrine (Pylon) sa Quezon Memorial Circle at Highrise building ng Quezon City Hall bilang pakikiisa sa National Flag Day.
Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374 s. 1965, taon-taong ginugunita ang May 28 bilang araw kung kailan unang ipinakita sa publiko ang watawat ng Pilipinas.
Pagdiriwang ito sa naging tagumpay ng mga Pilipino kontra mga Kastila sa Battle of Alapan sa Imus, Cavite.