Nagkaroon ng special screening ang pelikulang Quezon’s Game sa Cinema 3, Gateway, Quezon City.

Hango ang pelikula sa buhay ni dating Presidente Manuel Quezon at kung paano niya tinulungan at sinagip ang mahigit sa 1200 Jews noong panahon ng holocaust, sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanila sa Pilipinas.

Dinaluhan ito nina Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Israel Ambassador to the Philippines H. E. Ilan Fluss, Quezon’s Game Director Matthew E. Rosen, Attila, Inc President Manuel Quezon-Avancena, iba-ibang panauhin at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Maaaring mapanood ang Quezon’s Game sa iWant TV ABS-CBN.

+28