March is Rabies Awareness Month! 🐾

Alinsunod sa Executive Order No. 84, s. 1999, idineklara ang buwan ng Marso bilang Rabies Awareness Month.

Layon nitong itaas ang kamalayan tungkol sa rabies, isulong ang mga hakbang sa pag-iwas dito, at tiyakin ang iba-ibang epektibong paraan upang makontrol ang pagtaas ng kaso ng rabies sa bansa. Ito ay lubhang mapanganib hindi lamang para sa ating mga alagang hayop, kundi pati na rin sa ating mga tao.

Kaya ngayong Rabies Awareness Month, halina’t alamin kung ano ang rabies at kung paano ito maiiwasan.

#RabiesAwarenessMonth