QCitizens, alam niyo ba na ang rabies ay isang sakit na kadalasang naipapasa sa pamamagitan ng kagat o kalmot ng isang hayop.

Kaya ngayong Rabies Awareness Month, ating iwasan ang rabies sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng inyong fur babies.

Hintayin lang ang anunsyo ng bakuna mula sa inyong barangay. Mayroon naman pong libreng anti-rabies sa Quezon City Hall para sa lahat ng residente ng Quezon City, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM – 3:00 PM.

Maaaring bisitahin ang Facebook page ng Quezon City Veterinary Department para sa iba pang mga impormasyon.

https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/pfbid0CML9rYgg6Aqtn5oCUNriBPPVkPo2fT8J9GgYv8tmSYrteKwMSx9i8xHqccavYh6vl