Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mahigit 350 pets ang nabigyan ng anti-rabies vaccination sa isinagawang Rabies Awareness Month Culminating Activity ng lungsod, sa pangunguna ng Quezon City Veterinary Department.
Kasabay nito, mahigit 250 pets ang sumailalim sa kapon procedures, 103 sa microchipping, at 77 sa deworming. Kabilang din sa mga serbisyong ibinigay ang consultation upang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng mga alagang hayop.
Tampok din ang mga booth para sa pet adoption at pet care. Nagsagawa rin ng pet education talk upang palawakin ang kaalaman ng fur parents sa responsableng pag-aalaga ng hayop.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaang lungsod sa QCitizens na maging responsableng pet owners at makiisa sa pagpapanatili ng isang rabies-free na komunidad.








