Naging matagumpay ang Rabies Awareness Month kick-off program ng Quezon City Veterinary Department (QCVD) na may temang “Rabies Free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino” sa Quezon Memorial Circle kahapon.
Kasama ang kanilang QCitizen furparents, nasa 240 alagang hayop ang nakapon, 39 furbabies para sa konsultasyon, 152 na aso’t pusa para sa deworming, 40 para sa microchipping at 222 ang nabakunahan laban sa rabies.
Katuwang ang Quezon City Health Department, FEI, Robinsons Land Corporation, ProBalance, Animal Kingdom Foundation, at GuapoDog sa isinagawang programa.
QCitizens, ang Rabies ay 100% na MAIIWASAN. Kaya pabakunahan ang inyong mga alagang hayop mula 3 buwan gulang at ire-vaccinate kada taon.
I-follow ang Facebook page ng Quezon City Veterinary Department at Quezon City Animal Care and Disease Control Division para sa iba-ibang veterinary services para sa inyong mga alagang hayop.




