Isinagawa ang 2026 Rabies Summit upang palakasin ang kampanya ng lungsod laban sa rabies at higit pang isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop. ![]()
![]()
Pinangunahan ito ng Quezon City Veterinary Department sa pamumuno ni OIC Dr. Rey C. Del Napoles, kasama si QC Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, at mga kinatawan mula sa Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture.
Dumalo rin si Councilor Kristine Matias na nagbahagi ng mga lokal na hakbang ng lungsod upang itaguyod ang responsableng pet ownership, kabilang ang libreng anti-rabies vaccination at microchipping.
Nakiisa rin sa pagtitipon si QC Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, kasama ang mga Barangay Animal Control Officers (BACOs).
Binigyang-diin sa summit ang mga paglabag kaugnay ng mga asong gala, hindi bakunado, o hindi rehistradong alagang hayop ay maaaring magresulta sa impounding at kaukulang multa, alinsunod sa umiiral na mga ordinansa ng lungsod.
Patuloy na hinihikayat ng QC ang lahat ng pet owners na makiisa sa pagpapanatili ng ligtas at rabies-free community.








