Naging panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Radical Joy: Sanctuary For Self-Expression event ng Microsoft Philippines, na bahagi ng kanilang Pride Month celebration.
Sa programa na dinaluhan ng mga empleyado ng Microsoft, ibinahagi ni Mayor Joy ang iba-ibang inclusivity programs ng lokal na pamahalaan na nagsusulong ng karapatan at pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal, anuman ang kanilang Sexual Orientation, Gender Identity and Sexual Characteristics (SOGIESC).
Kabilang na rito ang Gender Fair Ordinance, pagkakaroon ng QC Pride Council, G-PRIDE action plan, Right to Care Card, at pagdiriwang ng Pride Festival taun-taon.
Hinikayat din ng alkalde ang pribadong sektor na makiisa sa adbokasiya ng lokal na pamahalaan para matiyak ang isang bukas, pantay, at inklusibong komunidad para sa lahat.