Prayoridad ng lungsod ang kalusugan ni lolo at lola.

Bilang paggunita ng Elderly Filipino Week, ginanap ang Raising Awareness on Influenza to Support Elderlies (RAISE) Community Outreach sa Quezon City Hall ngayong araw.

Kasabay nito ay lumagda si Mayor Joy Belmonte sa Pledge of Commitment to Support Elderlies. Ito ay pangakong aalalayan ng lokal na pamahalaan ang kalusugan ng ating nakatatandang mamamayan.

Ang mga senior citizen ay hinihikayat na magpabakuna sa mga barangay health center ng ating lungsod.

Dumalo sa event sina Department of Health Undersecretary Dr. Eric Tayag, Quezon City Health Officer Head Dr. Ramona Abarquez at RAISE Convenors Dr. Lulu Bravo at Dr. Maria Rosario Capeding.

+25