QC SCHOOL, POWERED BY THE SUN! ![]()
![]()
![]()
Maituturing nang green school ang Ramon Magsaysay Elementary School matapos pasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ang solar power system ng eskwelahan ngayong Sabado.
Nasa 170 solar panels ang ikinabit sa bubungan ng pasilidad na may estimated savings na P310,000 simula Pebrero nang mag-umpisa ang energy production nito.
Ayon kay Mayor Joy, bukod sa malaking tulong ito sa green efforts ng lungsod, mapapakinabangan din ng mga estudyante ang budget na matitipid ng eskwelahan na maaaring ilaan sa mga proyektong kinakailangan nila.
Nakiisa sa pag-papailaw sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at Principal Eloisa Tamon.










