May bagong rarampahan ang mga nais gumimik sa Quezon City dahil bukas na ang pinakabagong drag club na RAMPA na matatagpuan sa Eugenio Lopez Drive, Barangay South Triangle.

Isa sa naging panauhin sa grand opening ng Rampa Drag Club si Mayor Joy Belmonte. Nagperform naman sina Ice Seguerra, Precious Paula Nicole, Viñas Deluxe, Brigiding, at Rampareynas.

Kabilang sa mga dumalo sina QCinema Festival Director Ed Lejano at QC Film Development Commission Executive Director Liza Diño- Seguerra.

+8