More awards for Quezon City! ![]()
Kinilala bilang Rank 1 sa 2025 Local Legislative Award at Regional Finalist sa Highly Urbanized City (HUC) Category ang 22nd Quezon City Council (2022-2025) sa 4th Quarter Continuing Local Legislative Education Program (CLLEP) at Year-end Assembly ng Philippine Councilors League.
Ginanap ang awarding ceremony sa J Parks Resort, Lapu-Lapu City, Cebu noong December 1, 2025. Personal na tinanggap ni Vice Mayor Gian Sotto ang parangal, kasama sina Majority Floor Leader Aly Medalla, Coun. Doray Delarmente, Coun. Charm Ferrer, Coun. Wency Lagumbay, at Coun. Bernard Herrera.
Layon ng Local Legislative Award na kilalanin ang Sangguniang nagpamalas ng mahusay na paggawa ng iba-ibang batas at programa para sa kanilang lungsod.
Patunay lamang ito ng maayos at matimtimang paglilingkod ng Sanggunian para sa pag-unlad ng lungsod Quezon.




