Tuloy-tuloy ang isinasagawang inspeksyon ng Quezon City Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team sa iba-ibang gusali sa Mati City, Davao Oriental.
Binubuo ang team ng mga kinatawan mula sa Quezon City Department of Engineering (QCDE), Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), at Department of Building Official (DBO).
Katuwang ang Philippine Institute of Civil Engineers – Davao Oriental Chapter, higit sa 25 na mga gusaling naapektuhan ng lindol ang na-inspeksyon ngayong araw, kabilang dito ang mga barangay halls, paaralan, health centers, at child development centers.
Patuloy na mananatili ang Team QC sa Davao Oriental upang tumulong sa pagsusuri ng kalagayan ng mga gusaling naapektuhan ng lindol, bilang bahagi ng patuloy na suporta ng Quezon City Government sa mga nangangailangan sa panahon ng sakuna.








