Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakatutok sa pag-inspeksyon ng mga eskwelahan sa Mati City, Davao Oriental ang mga engineers na ipinadala ng Pamahalaang Lungsod Quezon matapos yanigin ng lindol ang probinsya.
Sa tulong ng Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis matitiyak na ligtas ang mga classrooms at pasilidad ng eskwelahan sa lungsod.
Kasama sa mga inikot ng Team QC ang mga pangunahing gusali sa syudad tulad ng mga kainan, bangko, eskwelahan, at City Government buildings.








