GOOD GOVERNANCE WORKS! 👏

Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga good practices at inklusibong programa ng Lungsod Quezon bilang panelist sa Social Good Summit 2024 ng Rappler sa De La Salle University.

Kasama ni Mayor Joy sina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at Isabela City, Basilan Mayor Sitti Hataman sa talakayan ukol sa epektibong pamamahala ng kani-kanilang lungsod.

Inilahad din nila ang kanilang mga opinyon sa isang liveable city, political dynasties, paglaban sa katiwalian sa lokal na pamahalaan, at ang partisipasyon ng publiko sa pagbuo ng mga ordinansa at programa ng lungsod.

Panelist din si Assistant City Administrator Alberto Kimpo sa breakout session ng summit kung saan ibinahagi niya ang pagiging climate resilient ng lungsod.

#TayoAngQC

#QC85th

+22