Muling inilunsad ang Reading and Numeracy Tutoring Program para sa School Year 2024-2025 sa ilalim ng ‘Zero Illiteracy sa QC Tutoring Program’!
Isa ito sa mga pangunahing proyekto ni Mayor Joy Belmonte upang tugunan ang learning loss at palakasin ang kasanayan ng mga kabataan sa pagbabasa at numeracy.
Sa tulong ng Schools Division Office, pinili ang mga paaralan at mag-aaral na lalahok, kung saan 700 na mag-aaral mula sa 15 public elementary schools ang makikinabang sa ikalawang batch ng programa.
Nagkaroon ng pre-assessment sa Reading at Math noong October 10-11, 2024 upang matukoy ang mga batang kailangan ng high-dosage tutoring na tatagal ng 25 araw.
Maraming salamat sa lahat ng nagtiwala at nagbigay-donasyon sa Learning Recovery Trust Fund! Dahil sa inyong suporta, patuloy tayong makakapaghatid ng de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama tayong magtagumpay para sa kinabukasan ng QC!