Patuloy ang Pamumuhunan sa Edukasyon sa QC!

Sa mga nakalipas na taon, mas pinagtibay pa ang edukasyon sa Quezon City sa pamamagitan ng makabago at epektibong learning at teaching tools. Kabilang dito ang SRA Reading Program, Wikahon leveled-reading tool, at iba pang kagamitan para sa Kinder at Math—lahat ng ito ay tumutulong sa mga guro at mag-aaral na pagyamanin ang kasanayan sa pagbabasa, pag-unawa, at kritikal na pag-iisip.

Sa patuloy na suporta ng lungsod, mas maraming batang QC ang nabibigyan ng oportunidad na mas maging handa sa kanilang pag-aaral. Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa lahat!

+8