Nagsagawa ng Critical Reading tutorial ang QC Public Library – Balingasa branch sa ilang mag-aaral ng Balingasa Junior High School bilang suporta sa programang “WE CARE: We Educators and the Community Addressing Reading Challenges and Enhancing Skills”.
Layunin ng programa na maitaas ang literacy level ng mga kabataang QCitizen, partikular ang mga nasa Grade 7, sa pamamagitan ng paglinang sa kasanayan nilang bumasa.
Para sa iba pang programa ng Quezon City Public Library, sundan lamang ang kanilang Facebook page.