Ilang plastic barriers sa bike lanes ang tumumba o di kaya ay nawala sa pwesto dahil sa malakas na hangin at bahang idinulot ng dumaang bagyong #PaengPH.

Kaya agad kumilos ang Green Transport Office ng Department of Public Order and Safety (DPOS) para maibalik at maiayos ang mga plastic barrier na nagsisilbing gabay sa bike lane network at proteksyon ng mga siklista.