Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Kinilala ng Quezon City Government ang mga barangay at natatanging police station na naging katuwang ng lungsod sa patuloy na pagpigil at paglaban sa ilegal na droga.
Kasunod ng deliberasyon ng Regional Oversight Committee, ganap nang drug-cleared ang Barangay Obrero, Payatas, at Pasong Tamo.
Pinarangalan din ang police station 10, 13, at 14 na naging partner sa pagsisiguro ng kapayapaan at kaligtasan ng komunidad.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga konsehal ang pagbibigay ng pagkilala sa mga barangay at police station.







