Ngayong Lunes, kinilala ng lokal na pamahalaan ang 15 modernong bayani na nagbigay-suporta sa disaster relief efforts sa Davao.
Tumulong sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) ang mga kawani mula City Engineering Department, Department of Building Official (DBO), at QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), para matiyak na ligtas ang mga gusali matapos ang lindol sa Davao.
Kaugnay nito, binigyang-parangal din ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod na tumugon sa pangangailangan ng mga residente ng Cebu at Davao na naapektuhan ng lindol.
Ginawaran ng QC Exemplar Award ang mga kawani ng QC Health Department, City Engineering Department, DBO, at QCDRRMO.
Ang pagtulong ng mga nasabing kawani ay sumasalamin sa kultura ng malasakit at bayanihan ng Quezon City.





