Isang pagbati sa 403 police trainee na naging bahagi ng recognition rites ng Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) Class MASIDTIKAS 2023-01 ng National Capital Regional Training Center (NCRTC) sa NCRPO Camp Bagong Diwa, Taguig City!
Nagbigay ng mensahe si Mayor Joy Belmonte bilang guest of honor and speaker sa programa. Ayon sa alkalde, magsilbi sanang inspirasyon ng mga police trainee ang kanilang tungkulin na magsilbi sa bayan at protektahan ang karapatan ng bawat mamayan.
Nakiisa rin si Mayor Joy kasama ang pamilya ng mga trainee sa ceremonial opening of collars. Ibinida naman ng mga trainee ang kanilang skills sa Rifle and Pistol Exercise.
Ang seremonya ng araw ng pagkilala sa mga police trainee ay hudyat na nalalapit na silang maging ganap na kasapi ng Philippine National Police.
Kaisa sa programa sina NCRTC Chief PCOL Richard Aquitania, Asst. Chief PLTCOL Allan Docyogen, at iba pang opisyal.




