Quezon City is a Child-friendly City!

Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Seal of Child-Friendly Local Governance ang Quezon City bilang pagkilala sa pagbibigay importansya ng lungsod sa karapatan ng mga batang QCitizen.

Mismong si Social Services Development Department (SSDD) OIC Rowena Macatao ang tumanggap ng parangal sa ginanap na Regional Children’s Month Celebration and Children’s Congress sa Axiaa Hotel kahapon.

Ang plaque ay ibinigay sa QC dahil sa pagpasa nito sa 2019 Child-friendly Local Governance Audit ng DILG at DSWD na nagsisiguro na binibigyang ng lokal na pamahalaan ng importansya at prayoridad ang mga bata sa papa-plano, pagba-budget, pagsasabatas ng mga ordinansa, at pagsasagawa ng mga programa upang matiyak ang kanilang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan.