Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa ginanap na ‘Regional Workshop and Policy Forum on Transforming Care Systems for Women’s Economic Empowerment’ sa Seoul, Republic of Korea.
Nagsilbing kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Councilor Charm Ferrer bilang panelist sa talakayang “Unlocking Real City Experience in Policymaking: Fostering Transformation of Care,” kung saan ibinahagi ang mga karanasan ng mga lungsod sa pagbuo ng mga polisiya at programang nagpapalakas sa sistema ng pangangalaga.
Nagbahagi rin ng kaalaman si QC Gender and Development Office Head Janet Oviedo sa session tungkol sa Caring Cities approach, na nakatuon sa pagpapalakas ng mga lokal na hakbang para sa mas gender-responsive na care systems.
Layon ng aktibidad na palawakin ang kaalaman tungkol sa sistema ng pangangalaga, paggawa ng mga polisiya na batay sa datos, at makapagbahagi ng iba-ibang kaalaman tungo sa isang progresibo, inklusibo, at maunlad na bansa.
Pinangunahan ng UN Women, CityNet, Global Alliance for Care, at Republic of Korea ang isinagawang forum.










