Tuloy-tuloy ang regular waste collection ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) sa iba-ibang bahagi ng lungsod para mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran.
QCitizens, hintayin muna ang pagdating ng puting truck bago ilabas ang inyong basura para maiwasan ang pagkalat at pagbabara sa mga kanal at creek.
Paalala rin, ipinagbabawal ang paghingi ng anumang halaga sa publiko ng mga palero o sinumang nagpapanggap na konektado sa DSQC. I-report agad ang anumang ganitong insidente sa DSQC, o tumawag sa QC Helpline 122.
DSQC Office: 6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D), Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage










