Tuloy-tuloy ang regular waste collection ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) sa iba-ibang bahagi ng lungsod para mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran.
QCitizens, paalala na hintayin muna ang pagdating ng puting truck bago ilabas ang inyong basura para maiwasan ang pagkalat at pagbara sa mga kanal at creek.
Ipinagbabawal din ang paghingi ng anumang halaga sa publiko ng mga palero o sinumang nagpapanggap na konektado sa DSQC. I-report agad sa DSQC kung makaranas o makasaksi ng ganitong insidente.
Para sa mga concern at request sa clean-up o paghakot ng basura, maaaring makipag-ugnayan sa DSQC:
6th Floor, Building Regulatory Offices (Civic Center D), Mayaman St. Quezon City Hall Compound
Phone number: 8988-4242 loc. 8362
Email: DSQC@quezoncity.gov.ph
Facebook: https://www.facebook.com/DSQCOfficialPage










