Idinaos muli ang Relay for Life 2023 sa Quezon Memorial Circle, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at Philippine Cancer Society (PCS).

Ito ay isang community-based event na nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga survivors, patients, carers, at mga namayapa dahil sa sakit na cancer.

Kapit-bisig sa paglalakad sa Liwasang Aurora ang mga dumalo gaya ng cancer support groups at organizations, caregivers, hospitals, at mga empleyado ng City Hall.

Sa luminaria ceremony, nagdaos din ng banal na misa kasunod ang candle lighting upang alalahanin ang mga namayapa at mga may sakit na cancer. Nagtagal ang relay for life hanggang 12mn.

Inalala rin sa programa ang namayapang pinuno ng City Health Department na si Dr. Esperanza Anita Nera Escaño-Arias.

Nagbigay naman ng talumpati sina Councilor Bernard Herrera, Councilor Charm Ferrer, PCS Board of Trustee Dr. Angela Crisostomo, Novaliches District Hospital Dir. Dr. Luzviminda Kwong, Office of the City Administrator, Chief Healthcare Operations Officer Dr. Dave Vergara, mga cancer survivors, at mga kinatawan ng iba-ibang grupong nakiisa.

+88