Ipinahayag ng Quezon City Government ang suporta nito sa mga cancer patient at kanilang pamilya, sa pamamagitan ng pakikiisa sa Relay for Life 2024.

Ang Relay for Life ay pag-alala sa mga residenteng patuloy na lumalaban sa sakit na cancer. Nagtitipon ang iba-ibang organisasyon at ahensya ng pamahalaan para tiyakin ang pakikiisa at pagtulong sa mga pasyente.

Tiniyak naman ni Mayor Joy Belmonte na patuloy na bubuo ang lokal na pamahalaan ng mga programa at serbisyo sa early detection at treatment ng cancer.

+15