Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Namahagi ng relief assistance ang Office of the City Mayor, sa pangunguna ng District 2 Action Office, sa mga residenteng naapektuhan ng nangyaring sunog sa Riverside Ext., Brgy. Commonwealth.
Personal na nag-abot ng tulong at kinumusta ni District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro ang mga apektadong QCitizen.
Kasama ang Social Services Development Department (SSDD) at QC Health Department (QCHD) sa pagbibigay ng welfare at medical assistance sa mga residente upang agad na tugunan ang kanilang pangangailangan.








