Agad na nagpunta ang mga kinatawan ng ating lokal na pamahalaan sa Brgy. Payatas A upang maghatid ng relief aid at kumustahin ang kalagayan ng mga pamilyang nasalanta ng sunog sa St. Joseph Street ngayong araw.
Nasa 13 pamilya ang naapektuhan ng sunog at pansamantalang nananatili sa evacuation site ng barangay.