Nakatanggap ng relief goods ang mga inilikas na residente sa Brgy. Roxas na umakyat na sa 116 na pamilya.
Pansamantala silang nanunuluyan sa Roxas Gymnasium at Holy Family Parish bunsod ng Bagyong #KristinePH.
Nakaalalay pa rin ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), Social Services Development Department (SSDD), Office of the City Mayor (OCM), QC Health Department (QCHD), Department of Public Order and Safety (DPOS), District Action Offices, at mga opisyal ng barangay upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente.
Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.