Nakatanggap ng relief goods ang mga binaha at inilikas na residente ng Brgy. Quirino 2-A, Brgy. East Kamias, Brgy. E. Rodriguez, Brgy. Bagumbayan, at Brgy. Bagumbuhay sa District 3 mula sa lokal na pamahalaan.

Patuloy ang pag-agapay ng pamahalaang lungsod upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng Bagyong #KristinePH.

Para sa emergencies, tumawag sa QC Helpline 122.

+6