Namahagi ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga QCitizen ng Brgy. Tatalon, Brgy. Roxas, at Brgy. Damayang Lagi sa District 4 na apektado ng Bagyong #KrstinePH.

Pansamantala silang nanunuluyan sa Diosdado P. Macapagal Elementary School, Holy Family Church, at Mt. Carmel Church.

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-alalay ng pamahalaang lungsod sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng bagyo.

Para sa emergencies at agarang aksyon, tumawag sa QC Helpline 122.

+8