Agad na tumugon at umalalay ang Quezon City Government sa mahigit 360 pamilyang nasunugan kahapon sa Barangay E. Rodriguez.
Sa pangunguna ng Office of the City Mayor, District 3 Action Office, at Social Services Development Department (SSDD), nabigyan na ang mga pamilya ng mga kagamitan tulad ng hygiene kits, food packs, bigas, at banig.
Inaasikaso rin ng mga social worker ang iba pang pangangailangan ng evacuees, at nagbibigay ng pagkain at hot meals.
May nakaantabay na medical post, at naglagay na rin ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office ng partition tents sa evacuation center.
Bukod pa rito, nakasuporta rin ang QC Health Department, QC Veterinary Department, at Barangay para sa iba pang pangangailangan ng mga biktima.




