Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), nagsagawa ang lungsod ng clearing at pagtanggal ng leaning pole bilang bahagi ng patuloy na anti-dangling wires operations.
Bagama’t pagmamay-ari ng isang pribadong korporasyon ang naturang poste, minabuti ng Quezon City Government na alisin ito upang maiwasan ang anumang panganib o aksidente sa publiko.
Ang mga dangling wires sa paligid ay active wires, at ang lokal na pamahalaan ay nakipag-ugnayan na sa mga telecommunications companies at sa National Telecommunications Commission (NTC) upang maisaayos at maayos na mapamahalaan ang mga ito.




