Nakisaya na rin sa Love Laban 2 Everyone Pride Festival dito sa Quezon Memorial Circle ang mga kaagapay ng LGBTQIA+ community sa pagsusulong ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill!
Nagbigay ng kani-kanilang mensahe sa attendees ng Pride Festival sina Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, at Senator Risa Hontiveros.
Sina Sen. Hontiveros at Rep. Roman ang mga nangungunang mambabatas na nagsusulong ng pagsasabatas ng SOGIE Equality Bill sa Kongreso at Senado.
Kaya QCitizens, makiisa sa panawagan ng Quezon City para makamit ang isang pantay at inklusibong komunidad para sa lahat!